234 na PDL sabay-sabay na pinalaya ng BuCor

234 na PDL sabay-sabay na pinalaya ng BuCor

Sabay-sabay na pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 234 na Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa iba’t ibang Operating Prisons and Penal Farms (OPPF) sa buong bansa nitong Nobyembre 24.

Sa naturang kabuuang bilang nang pinalayang PDL na nakapagtapos ng kanilang hatol o sentensiya, 128 rito ay mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Pinangunahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang culminating activity na isinagawa sa bisinidad ng NBP.

Dumalo rin sa isinagawang seremonya sa pagpapalaya ng mga PDL sina BuCor chief Gen.Gregorio Catapang at Atty .Persida Acosta ng Public Attorneys Office (PAO).

Inilahad ni Sec .Remulla ang una na niyang sinabi sa UN na target magpalaya ang bansa ng PDL ng 5,000 sa Hunyo sa susunod na taon.

Samantala,bumuhos ang iba’t ibang emosyon ng mga PDL kasama ng kanilang mahal sa buhay nang magsimulang sunduin sila at tuluyang magkakasama na ngayong panahon ng Kapaskuhan.(Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *