P7.6M na halaga ng shabu nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon sa Cebu City at Talisay City

P7.6M na halaga ng shabu nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon sa Cebu City at Talisay City

Nakumpiska ng mga otoridad ang P7.6 million na halaga ng shabu sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa Cebu City at Talisay City.

Isa sa mga operasyon ay ikinasa sa Barangay Buhisan, kung saan apat na suspek ang naaresto at nakumpiska sa kanila ang 700 grams ng shabu na tinatayang aabot sa P4.7 million ang halaga.

Kinilala ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office – Central Visayas ang mga naarestong suspek na sina Joselito Tabalino, 38; Charles Bacalla, 28; Danny Montemor, 19, tiyunin niya na si Maximo Montemor Jr., 33.

Kasunod nito ay naaresto naman ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng Cebu City Police Office (CCPO) ang dalawang suspek sa Barangay San Nicolas Proper.

Nakilala ang mga suspek na sina Reymundo Olasco, 28, at Glanes Agusto, 26 na nahulihan ng 405 grams ng shabu na tinatayang P2.7 million ang halaga.

Sa Talisay City, tatlong lalaki naman ang nadakip sa Brgy. Lagtang matapos mahulihan ng 25.6 grams ng shabu na tinatayang P174,080 ang halaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Cyrus Cabras, Ferdinando Dela Serna, at Waren Caballero.

Ayon sa Talisay City Police Station, taong 2018 pa sangkot na sa illegal drug trade ang tatlong suspek. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *