GCash magdaragdag ng seguridad para maiwasan ang hacking
Magkakaroon ng “double authentication” ang E-wallet service provider na GCash bilang dagdag proteksyon sa kanilang mga costumer laban sa mga hacker.
Ayon sa kumpanya, simula sa Disyembre, magkakaroon ng dagdag na layers bago ma-access ng user ang kaniyang account.
Narito ang mga security na daraanan bago ma-access ang GCash:
– OTP o one-time password matapos maipasok ng user ang kaniyang account number
– ipapasok ng user ang kaniyang mobile banking personal identification pin o MPIN.
– bubuksan ang camera para matukoy ang pagkakakilanlan ng user
Sa pamamagitan nito ayon sa CGash, maiiwasan na ma-access ng hackers ang mga account.
Ayon kay GCash chief customer officer Winsley Bangit gamgit ang face recognition hindi na dedepende lamang ang mga “customers’ sa OTPs na madalas ginagamit ng mga scammer.
Tiniyak ng GCash na patuloy ang ginagawa nilang mga hakbang para masawata ang mga scammer.
Nakipag-ugnayan na din ang GCash sa PNP-Anti-Cybercrime Group para mas mapaigting ang hakbang laban sa ilegal na aktibidad.
Ayon sa GCash, umabot na sa 2,734 na scam-related cases ang nai-endorso nila sa PNP at mayroon nang 41 naaresto simula noong 2020. (DDC)