MMDA kaisa sa Global Warming and Climate Change Consciousness Week
Kaisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Global Warming and Climate Change Consciousness Week na may temang “Sama-samang Tumutugon sa Hamon ng Nagbabagong Klima” upang pataasin ang kamalayan ng publiko at makatulong sa paghahanap ng solusyon sa global warming at climate change.
Ayon sa ahensiya na sa pamamagitan ng simpleng mga paraan ay makatutulong ang lahat para mapagaan ang epekto ng global warming at climate change.
Inihayag ng MMDA na kabilang sa mga ito ang tamang pangangasiwa ng basura at pag-Reuse, Reduce at Recycle; at pangangalaga ng halaman na nakakatulong upang mabawasan ang polusyon. (Bhelle Gamboa)