Ruta ng MMFF 2022 Parade of Stars inilabas na ng MMDA

Ruta ng MMFF 2022 Parade of Stars inilabas na ng MMDA

Inilabas na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang magiging ruta ng idaraos na MMFF 2022 Parade of Stars.

Ang parada na katatampukan ng float ng walong pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon ay idaraos sa Dec. 21, 2022.

Ang Quezon City Local Government ang magsisilbing host para sa Parade of Stars na magsisimula sa Welcome Rotonda-Quezon Avenue patungong Quezon Memorial Circle.

7.36 kilometers ang total length ng parada at tinatayang aabot sa 2 hour and 30 minutes ang travel time.

Sa E. Rodriguez hanggang D. Tuazon ang staging area para sa mga float.

At tatahakin ang buong Quezon Avenue hanggang makarating sa QC Memorial Circle.

Magtatalaga ang MMDA ng mga traffic enforcer para umasiste sa daloy ng traffic at sa crowd control.

Ang walong official entries sa MMFF ay ang sumusunod:

– “Deleter” by Viva Communications, Inc.
– “Family Matters” by Cineko Productions, Inc.
– “Mamasapano: Now It Can Be Told” by Borracho Film Production
– “My Father, Myself” by 3:16 Media Network and Mentorque Productions
– “Nanahimik ang Gabi” by Rein Entertainment Productions
– “Partners in Crime” by ABS-CBN Film Productions
– “Labyu with an Accent” by ABS-CBN Film Productions
– “My Teacher” by TEN17P

Ang mga pelikula ay mapapanood mula December 25, 2022 hanggang January 7, 2023.

Ang Gabi ng Parangal (Awards Night) ay gagawin sa December 27 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *