Bagong gusali ng NLRC sinimulan nang itayo ng DPWH

Bagong gusali ng NLRC sinimulan nang itayo ng DPWH

Inumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng bagong gusali ng National Labor Relations Commission (NLRC) sa AGham Road sa Quezon City.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, ang 15-storey office building ng NLRC ay kapapalooban ng office spaces, conference halls, public spaces, multipurpose rooms, at parking lots.

Sinabi ni Bonoan na sa sandaling matapos ang gusali ay inaasahan na mas mapagbubuti ang serbisyo ng NLRC dahil mas maayos na matatanggap ang mga nakikipagtransaksyon na publiko.

Simula noong dekada nobenta ay walang pirmihang opisina ang NLRC at ngayon ay nangungupahan lamang sa Ben-Lor Building sa QC. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *