LGUs pinaglalatag ng anti-drug plan of action ng DILG
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government ang mga Local Government Unit (LGUs) na maglatag ng anti-drug plan of action batay sa illegal drugs situation sa kani-kanilang nasasakupan.
Ilang araw bago ang nakatakdang paglulunsad ng flagship campaign kontra illegal drugs na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program”, hinikayat ni DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang mga LGU na maglatag ng kani-kanilang local anti-drug plan of action o LADPA habang ang mga barangay ay pinaglalatag ng barangay anti-drug plan of action o BADPA.
Sinabi ni Abalos na magiging epektibo ang anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan kung maipatutupa ang LADPA a BAPDA hanggang grassroot level.
Sa bubuuing LADPA at BADPA sinabi ni Abalos na dapat ilatag ang mga inisyatiba na magpapatibay at magpapalakas sa kampanya kontra ilegal na droga at ang mga programa at aktibidad na paglalaanan ng budget.
Sa nilagdaang Memorandum Circular ni Abalos ang mga provincial at city/municipal local chief executives (LCEs) ay dapat bumuo ng 2023-2025 LADPA sa unang 200-araw nila sa puwesto. (DDC)