COVID-19 positivity rate sa NCR malaki ang itinaas sa nakalipas na isang linggo

COVID-19 positivity rate sa NCR malaki ang itinaas sa nakalipas na isang linggo

Tumaas ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.

Sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David ng OCTA Research, mula sa 7.4 percent noong Nov. 15 ay tumaas sa 9.2 percent ang NCR Positivity Rate noong Nov. 22.

Sinabi ni David na kung magpapatuloy ang ganitong trend ay maaring nangangahulugan ito ng panibagong wave ng COVID-19 infections sa NCR gaya ng naranasan noong Hunyo.

Sa tanong naman kung maaaring ang pagbabalik ng full face-to-face classes ang dahilan ng pagtaas ng kaso, sinabi ni David na hindi ito ang sa tingin niyang rason.

Maaari aniyang mayroong bagong subvariant na nagdudulot ng pagtaas ng mga kaso. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *