Mga parokya sa Rizal nakiisa sa paggunita ng Red Wednesday
Namayani ang kulay pula sa mga simbahan sa lalawigan ng Rizal kagabi bilang paggunita sa Red Wednesday.
Nakiisa ang mga parokya na sakop ng Antipolo Diocese sa Red Wednesday at ang mga simbahan sa pangunguna ng Antipolo Cathedral ay pinailawan ng kulay pula.
Ayon sa pamunuan ng cathedral suportado nito ang kampanya ng ACN o Aid to the Church in Need para sa mga persucuted Christians.
Ang Nobyembre 23, 2022 ay itinalaga bilang pagdiriwang ng Red Wednesday o pagpupugay para sa kapatid na Kristyano Katoliko na inuusig at martir dahil sa kanilang pananampalataya.
Panawagan ng Simbahang Katolika, sa mga tagasunod nito manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa lalo’t higit ng mga nakararanas ng pagtrato sa hindi makataong pamamaraan. (DDC)