Pagsibak ni Pope Francis sa lahat ng opisyal ng Caritas walang kinalaman sa usapin ng sexual abuse at financial mismanagement
Walang kinalaman sa isyu ng sexual abuse at financial mismanagement ang ginawang pagsibak ni Pope Francis sa buong liderato ng worldwide charity arm ng Simbahang Katoliko na Caritas Internationalis (CI).
Ito ang paglilinaw ni Cardinal Luis Antonio Tagle na kabilang sa mga natanggal sa puwesto bilang presidente ng CI.
Mismong si Tagle ang bumasa sa decree ng Santo Papa na nag-aatas ng pagsibak sa mga executive ng Caritas sa idinaos na plenary meeting sa Roma.
Bagaman bababa bilang presidente ng Caritas, si Tagle ay naatasan ng Santo Papa na tulungan ang bagong talagang commissioner ng Caritas na si Dr. Pier Francesco.
Base sa kopya ng decree na ibinahagi sa website ng CBCP News, upang mas mapagbuti ang pagtupad sa misyon ng Caritas ay kailangang ipatupad pag-rebisa sa kasalukuyang regulatory framework nito.
Paghahandaan din ang pagdaraos ng eleksyon na gagawin sa susunod na General Assembly. (DDC)