Pangulong Marcos hinimok ang mga Pinoy scientist na manatili sa bansa

Pangulong Marcos hinimok ang mga Pinoy scientist na manatili sa bansa

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsisimula ng selebrasyon ng National Science and Technology Week (NSTW) sa World Trade Center, Pasay City.

Sa nasabing aktibidad ay pinasalamatan ng pangulo ang DOST sa patuloy na paglinang ng siyensya na isang kontribusyon para sa pag-unlad at ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang industriya sa publiko at pribadong sektor.

Binigyang-halaga rin ni Pangulong Marcos ang papel ng siyensya bilang tugon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

Sa mga exhibit sa 2022 NSTW ay ipinakikita ang mga pinakabagong imbensyon ng mga Pilipinong scientists at engineers sa mga industriyang prayoridad ng administrasyon ni PBBM katulad ng enerhiya, agrikultura, kalusugan, kalikasan, at digital transformation.

Sa kaniyang talumpati ay hinikayat ni Marcos ang mga Filipino scientists at researchers na manatili sa bansa at maging aktibong katuwang ng pamahalaan.

Siniguro ni Marcos na patuloy silang susuportahan ng gobyerno.

Kaugnay nito ay hinikayat ng pangulo ang DOST at kanilang partner institutions na maglaan ng mas marami pang scholarships sa mga Filipino students para makalikha ng mas marami pang scientists, researchers at innovators sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *