Cashless transactions ipatutupad sa mga establisyimento sa Davao City

Cashless transactions ipatutupad sa mga establisyimento sa Davao City

Simula ngayong araw ng Miyerkules, Nov. 23, 2022 ay ipatutupad na ang cashless transactions sa mga establisyimento sa Davao City.

Katuwang ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay inilunsad ng pamahalaang lungsod ang Paleng-QR Ph, kung saan ang mga palengke at iba pang establisyimento ay tatanggap na ng cashless payment.

Ayon kay BSP Mindanao Bank Officer IV Zarinah Aligsao, sa ilalim ng programa, ang mga establisyimento ay kailangang magpaskil ng QR code kung saan ang mga mamimili ay puwedeng magbayad sa pamamagitan ng GCash.

Target itong maipatupad sa lahat ng palengke sa Davao City ani Aligsao.

Makatutulong din ito sa mga maliliit na negosyante dahil hindi na sila mahihirapan sa paghahagilap ng barya sa pagsusukli. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *