Pagbabalik ng “Suroy-Suroy Sugbo” sa Cebu naging matagumpay

Pagbabalik ng “Suroy-Suroy Sugbo” sa Cebu naging matagumpay

Naging matagumpay ang pagbabalik ng “Suroy-Suroy Sugbo” sa Cebu matapos na hindi maidaos dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ayon sa Cebu Provincial Tourism Office, umabot sa mahigit 400 local at foreign delegates ang nakilahok sa aktibidad.

Kinapalooban ito ng three-day excursion kung saan ang mga turista ay nagkaroon ng pagkakataon na mabisita ang 22 bayan at lungsod sa Cebu Province.

Tampok sa “Suroy-Suroy Sugbo Southern Heritage Trail,” ang mga century-old church sa probinsya, culinary heritage, kultura at kasaysayan.

Kabilang sa binisita ng mga turista ang mga tourist attraction gaya ng Anjo World theme park sa bayan ng Minglanilla, museum sa Sibonga, at Little Intramuros sa Argao.

Tampok din sa aktibidad ang delicacies sa mga bayan ng San Fernando, Dalaguete, Alcoy at Boljoon.

Sa bayan ng Barili, ang mga turista ay hinandugan ng performance ng Panumod Dancers na nagpapakita ng booming livestock industry sa bayan.

Ang “Suroy-Suroy Sugbo” ay proyekto ni Cebu Gov. Gwen Garcia na layong makahikayat ng mas maraming turista at mapalago ang ekonomiya ng lalawigan. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *