US maglalaan ng dagdag na pondo para suportahan ang Philippine Coast Guard

US maglalaan ng dagdag na pondo para suportahan ang Philippine Coast Guard

Ibinahagi ni U.S. Vice President Kamala Harris na maglalaan ng dagdag na pondo ang Estados Unidos para lalong masuportahan ang Philippine Coast Guard (PCG) at ibang maritime law enforcement agencies ng Pilipinas.

Ayon kay Harris, layunin nitong mas mapagbuti ang kapasidad ng mga ahensya ng gobyerno na lumalaban sa iligal na pangingisda sa malawak na katubigan na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Gagamitin din aniya ang pondo para maitaas ang kalidad ng kani-kanilang monitoring system at equipment.

Samantala, pinasalamatan naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Maritime Elmer Sarmiento ang Estados Unidos sa patuloy na pagbibigay ng mga pagsasanay para mapalawak ang kakayahan ng mga PCG personnel, partikular sa larangan ng maritime security, law enforcement, at maritime safety.

Si Harris ay nagsagawa ng vessel tour at briefing kasama si U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, sakay ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa Puerto Princesa Port, Palawan noong Martes, ika-22 ng Nobyembre 2022.

Sa pangunguna CG Commander Erwin Tolentino at CG LTJG Adriane Belleza, nilibot ni Harris ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701).

Una siyang dinala sa “bridge” ng naturang barko para maipakita ang monitoring system na ginagamit para maitaguyod ng PCG ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipinong mangingisda at mga marino. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *