Presyo ng Noche Buena products tumaas na
Nakapagtala na ang Department of Trade and Industry (DTI) ng pagtaas sa presyo ng Noche Buena items habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon.
Ayon sa DTI, nasa 12 food items na karaniwangn binibili kapag holiday season ang tumaas na ang presyo kabilang ang ham at fruit cocktail.
Sa datos ng DTI, nasa P1 hanggang P56.60 ang itinaas ng presyo ng mga produkto kung ikukumpara sa sa dating presyo noong nakaraang taon.
Naglabas ng listahan ang DTI ng mga produkto para sa Noche Buena kung saan nakasaad ang mga presyo nito.
Ayon sa listahan, ang presyo ng ham na dating P158 hanggang P862 ay pumapalo na ngayon sa P163 hanggang P892.
Ang presyo naman ng fruit cocktail na datng P55 to P255 ay nasa P56 to P288 na.
Tumaas din ang presyo ng pasta mula sa dating P19 to P92 ay nasa P25 to P111 na.
May pagtaas din sa presyo ng keso, keso de bola, mayonnaise, elbow macaroni, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce at cream. (DDC)