Kumpirmasyon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo ipinagpaliban ng CA dahil sa usapin ng kaniyang citizenship

Kumpirmasyon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo ipinagpaliban ng CA dahil sa usapin ng kaniyang citizenship

Ipinagpaliban ng Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon kay Social Welfare and Development Sec. Erwin Tulfo.

Ito ay dahil sa legal issues hinggil sa citizenship ni Tulfo at pagkakaroon ng kasong kriminal dahil sa libelo.

Umabot ng tatlong oras ang hearing ng Commission on Appointments (CA) para sa kumpirmasyon ni Tulfo noong Martes (Nov. 22).

Sa panayam, sinabi ni Tulfo na naging American citizen siya noong 1988 at ngayong taon lamang niya nakuha muli ang kaniyang Filipino citizenship bilang requirement sa pagiging public official.

Maliban sa usapin hinggil sa citizenship ni Tulfo, sinabi ni Sagip Rep. Rodante Marcoleta na nahatulang guilty sa kasong libelo si Tulfo.

Ang nasabing kaso aniya ay krimen na maituturing na sangkot ang usapin ng “moral turpitude”. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *