Mahigit 26,000 na mga barangay sa bansa, drug free na ayon sa PNP

Mahigit 26,000 na mga barangay sa bansa, drug free na ayon sa PNP

Idineklarang drug free ng Philippine National Police ang 26,244 na mga barangay sa bansa.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rodolfo S Azurin, matagumpay ang Barangay Drug Clearing Program ng pamahalaan.

Mula kasi sa 35,356 barangays na dating tukoy bilang drug-affected ay 26,244 o 74.23% ang idineklara nang cleared sa ilegal na droga mula July 2016 hanggang Nov. 2022.

Kinilala ni Azurin amg pagtutulungan ng ibat ibang ahensya ng gobyerno para maging matagumpay ang laban kontra illegal drugs.

Ani Azurin sa pagitan lamang ng July 1, 2022 hanggang November 1, 2022 ay 403 na barangay ang nadagdag bilang drug free.

Ang Cagayan Valley region ang may pinakamataas na bilang ng drug cleared barangay na may 94.41 percent, kasunod ang Cordillera Region na may 94.36 percent, MIMAROPA – 93.95 percent, Eastern Visayas – 93.09 percent, at SOCCSKSARGEN – 88.25 percent.

Ang isang Barangay ay tinutukoy na drug “affected” kung mayroong presensya ng drug users; moderately affected kapag nay presensya ng drug pushers at users, at seriously affected kapag mayroong clandestine drug laboratory, warehouse, marijuana plantation, drug den o “tiangge”, drug trafficking o smuggling activities, at mga drug personalities.

Ani Azurin katuwang ang PDEA, DILG at mga LGU, sisikapin ng PNP na sa susunod na mga taon ay maideklara na ding grug free ang nalalabi pang 9,112 o 25.77 % na mga barangay sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *