Facebook fan page ni Zsa Zsa Padilla napasok ng hackers
Hindi ma-access ng singer na si Zsa Zsa Padilla ang kaniyang official Facebook fan page makaraang mapasok ng hackers.
Sa kaniyang Instagram, inabisuhan ni Padilla ang kaniyang mga follower hinggil sa insidente.
Nadamay din aniya sa hacking ang page ng Casa Esperanza na kanilang vacation home rental at ang personal page ng admin ng kaniyang FB.
Nagtataka naman si Padilla kung bakit ganoon lamang kadali para sa mga hacker na mapasok ang account ng isang user.
Nanawagan din ito ng tulong sa Facebook-parent company na Meta. (DDC)