Pagpapadala ng note verbale sa China matapos ang pinakabagong insidente sa Pag-asa Island inirekomenda ni NSA Carlos

Pagpapadala ng note verbale sa China matapos ang pinakabagong insidente sa Pag-asa Island inirekomenda ni NSA Carlos

Inirekomenda ni National Security Adviser Clarita Carlos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapadala ng note verbale sa China kaugnay sa pinakabagong insidente na naganap sa Pag-asa Island.

Noong Linggo, nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng Naval Station Emilio Liwanag (NSEL) at Chinese Coast Guard sa Pag-asa Island makaraang pwersahang kuhanin ng CCG ang isang unidentified floating object na na-recover ng NSEL.

Noong araw din iyon, sinabi ng mga residente sa lugar na nakarinig sila ng mga pagsabog na mula sa artificial islands ng China malapit sa Pag-asa Island.

Sinabi ni Carlos na maaaring banggitin sa ipadadalang note verbale ang napag-usapan kamakailan sa pulong nina Marcos at Chinese President Xi Jinping kung saan nagkasundo ang dalawang lider na magkakaroon ng constructive engagement at critical dialogue sa pagitan ng dalawang bansa.

Magmimistula aniyang walang saysay ang mga sinabi ni Pres. Xi kung magpapatuloy ang mga ganitong insidente sangkot ang Chinese Coast Guard. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *