Traffic-related violations at penalties sa Metro Manila, tinalakay ng MMDA at LTO

Traffic-related violations at penalties sa Metro Manila, tinalakay ng MMDA at LTO

Isinagawa ang ikatlong Technical Working Group (TWG) kaugnay ng Single Ticketing System para sa mga paglabag sa batas trapiko sa Metro Manila.

Dinaluhan ito nina Metropolitan Manila Development Authority
(MMDA) Acting Chairman Atty. Romando Artes at Land Transportation Office – Philippines Chief Assistant Secretary Jose Arturo “Jay Art” Tugade kasama ang iba pang opisyal ng dalawang ahensiya at kinatawan ng TWG mula sa Metro Manila local government units.

Pinag-usapan ang iba’t ibang violations at penalties sa Metro Manila na target na maging isahan o magkakatulad na lamang maging ang ilang alalahanin sa due process ng mga motoristang mahuhuli, at data privacy issues.

Hinimay rin ang guidelines para sa inter-connectivity ng MMDA, LGUs,at iba pang ahensiyang nagpapatupad ng trapiko sa Land Transportation Management System para sa tagging of alarms at pagre-record ng demerit points ng mga driver.

Sinabi ni Atty. Artes na ang naganap na TWG meeting ay mahalaga para maisakatuparan ang single ticketing system sa Kalakhang Maynila. Aniya, pabor naman in principle ang halos lahat ng local chief executives ng Metro Manila para sa nasabing sistema at umaasa siyang maaayos ito sa lalong madaling panahon.

Kung maipapatupad ang single ticketing system, magiging pare-pareho na ang halaga ng multa sa mga paglabag sa batas trapiko gaya ng disregarding traffic sign, illegal parking (attended and unattended), number coding scheme, at iba pa. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *