Pagpapalawak sa San Joaquin Bridge sa Palo, Leyte matatapos na sa Pebrero 2023

Pagpapalawak sa San Joaquin Bridge sa Palo, Leyte matatapos na sa Pebrero 2023

Mas mapapabilis na ang biyahe ng mga motorista sa Palo, Leyte sa sandaling matapos na ang road widening ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa San Joaquin Bridge sa Barangay Baras.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, batay sa report ni DPWH Region 8 Director Edgar B. Tabacon, ang second at last phase ng naturang proyekto ay pinondohan ng P43.48 million.

Sakop nito ang pagpapalawak sa tulay na mula sa 2 lanes ay gagawing 4 lanes, approach slab, at konstruksyon ng slope protection structure.

Sinabi ni Bonoan na 87.11 percent nang kumpleto ang proyekto at inaasahang matatapos sa February 2023.

Ang unang bahagi ng proyekto ay natapos na noong April 2022 na pinaglaanan ng P66.63 million na pondo.

Sa sandaling matapos ang pagpapalawak sa San Joaquin Bridge inaasahang makatutulong ito sa paglago ng turismo at trade activities sa lugar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *