Pagbibigay ng 13th month ng mga pensioner itinakda na ng SSS
Sa unang linggo ng Disyembre matatanggap na ng mga pensioner ng SSS ang kanilang 13th month.
Ayon sa abiso ng SSS, para sa mga pensioner na tumatanggap ng monthly pension sa pamamagitan ng PESONet participating banks, sa Dec. 1, 2022 nila matatanggap ang kanilang 13th month at December pension kung ang date of contingency nila ay mula sa una hanggang ika-15 araw ng buwan.
At sa Dec. 4, 2022 naman matatanggap ang 13th month at December pension kung ang date of contingency ay mula sa ika-16 hanggang sa huling araw ng buwan.
Ang crediting ng 13th month pension ng mga pensyonadong nag-avail ng advance 18-month pension bilang initial benefit ay sa Dec. 4, 2022.
Para sa mga tumatanggap ng pensyon sa pamamagitan ng SSS-accredited non-PESONet participating banks at tseke, kailangang makipag-ugnayan sa ahensya para maisagawa ang ilang mga hakbang.
Paalala ng SSS kung ang petsa ng pag-credit ay natapat ng Sabado, Linggo o holiday, ang pensyon ay ike-credit sa huling araw na may pasok bago ang weekend o holiday. (DDC)