Tineg, Abra niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa lalawigan ng Abra.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 18 kilometer northeast ng bayan ng Tineg, 5:00 ng umaga ng Martes, Nov. 22.
May lalim na 7 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V
– Tineg, Abra
Intensity IV
– Lacub, Lagangilang, and Lagayan, Abra
Intensity III
– Nueva Era, Ilocos Norte; Danglas, Abra
Hindi naman magdudulot ng aftershocks ang naturang lindol. (DDC)