Pagdepensa sa Pilipinas sa usapin ng international rules tiniyak ni US Vice Pres. Kamala Harris
Tiniyak ni United States Vice President Kamala Harris ang commitment ng Amerika sa pag-depensa sa Pilipinas hinggil sa international rules.
Ito ay kasunod ng courtesy call ni Harris kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa MalacaƱang.
Sinabi ni Harris na anumang pag-atake sa Pilipinas kaugnay sa pinag-aagawang South China Sea ay tiyak na igigiit ng US ang Mutual Defense commitments nito.
Kapwa din kinilala nina Harris at Marcos ang matatag at matagal nang ugnayan ng Pilipinas at United States.
“The relationship between the Philippines and the United States is a long and enduring one. It is one relationship that is strong for so many reasons. It is the longstanding relationship in terms of the people-to-people ties, as you and I have discussed,” ayon kay Harris.
Bahagi ng three-day trip ni Harris sa bansa ang pagpunta sa Palawan kung saan sasakay siya sa barko ng Philippine Coast Guard. (DDC)