Panukalang batas na magbibigay ng Filipino citizenship kay Justin Brownlee aprubado na ng komite sa senado
Inaprubahan na ng Senate Justice and Human Rights Committee ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng Filipino citizenship ang American basketball player na si Justin Donta Brownlee.
Nagpahayag ng buong suporta si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa naturalization ni Brownlee.
Si Dela Rosa ang author ng isa sa mga panukala para para gawing naturalized Filipino citizen si Brownlee na two-time Best Import Awardee ng PBA.
Ayon naman kay Senate Sports Committee Chairman Bong Go na co-author ng panukalang batas, makatutulong si Brownlee sa Gilas Pilipinas kung mabibigyang pagkakataon na makapaglaro para sa 6h and final window sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa February 2023.
Sa isinagawang pagdinig ng senado, walang pagtutol ang Bureau of Immigration (BI) sa naturalization ni Brownlee dahil wala naman aniya itong hindi magandang rekord sa ahensya.
Kapwa pa wala ding objection ang Department of Justice, Department of Foreign Affairs at ang Office of the Solicitor General. (DDC)