MMDA may bagong GM at Deputy Chairman

MMDA may bagong GM at Deputy Chairman

Welcome sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang appointment nina Ret. Police Col. Procopio Lipana bilang General Manager at Frisco San Juan, Jr. naman bilang Deputy Chairman ng ahensiya.

Sina Lipana at San Juan Jr. na kapwa itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Nobyembre 11 at 16 ay nagpapasalamat sa tiwala at kumpiyansa ng Presidente sa kanila.

Nangako ang dalawang bagong opisyal ng MMDA na susuportahan nila ang lahat ng programang nasimulan ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes sa kapakinabangan ng Metro Manila at mga residente ng rehiyon.

Pinalitan ni Lipana si Engr. Baltazar Melgar, matapos ang kanyang pagseserbisyo sa pulisya sa loob ng 34-taon. Susuportahan aniya niya ang lahat ng programa at proyekto ng Chairman para sa ikabubuti ng National Capital Region.

“The MMDA have so many diversified tasks pursuant to its mandates- traffic management, flood control, land use and urban renewal, and public safety, among others. The directive of Chairman Artes is to improve and maximize the agency personnel’s visibility particularly on major thoroughfares,” sabi ni Lipana sa idinaos na flag raising ceremony ng ahensiya kanina.

Sinabi naman ni San Juan Jr.,na dating nagsilbi sa ahensiya noong panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte,na masaya siyang bumalik sa said MMDA.

“With my appointment as Deputy Chairman again, I will continue to serve the public by ensuring that the agency provides quality services in line with its mandates” pahayag nito.

Samantala bago ang kanyang appointment sa MMDA, si Lipana ay naging Projects and Program officer ng Market Development and Administration Department (MDAD) ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Quezon. Nagsilbi rin siyang Deputy District Director for Administration and District Directorial Staff Chief sa Quezon City Police District (QCPD).

Magmula Hunyo 2011 hanggang 2012 ay nagsilbi siyang Provincial Director ng Camarines Sur Police Provincial Office at naging Chief of Police ng San Juan City.

Habang si San Juan Jr. ay nagsilbing MMDA’s Deputy Chairman at General Manager magmula sa taong 2016 hanggang 2022.

Bago ang kanyang appointment sa MMDA, si San Juan Jr. ay naging Vice Governor ng Rizal Province noong 2009 hanggang 2016. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *