Hong Kong leader nagpositibo sa COVID-19 matapos ang pagdalo sa APEC Summit
Nagpositibo sa COVID-19 si Hong Kong leader John Lee makaraang makauwi mula sa katatapos na Asia-Pacific Summit.
Kabilang sa nakapulong ni Lee sa nasabing Summit ay si Chinese President Xi Jinping at iba pang heads of state.
Apat na araw bago bumiyahe patungong Thailand si Lee para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ay negatibo nama ang resulta ng rapid antigen tests nito.
Sa ngayon sumasailalim sa quarantine si Lee. base sa guidelines ng Centre for Health Protection,,
Nakapulong din ni Lee sa Summit sina Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo, Vietnamese President Nguyen Phuc at iba pang matataas na opisyal. (DDC)