COVID-19 positivity rate sa pitong lalawigan sa bansa nasa “very high” pa rin – OCTA Research
Halos napanatili ang mababang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 7.6 percent noong Nov. 12 ay bumaba sa 7.5 percent ang positivity rate sa NCR noong Nov. 19.
Samantala pawang nasa “very high” ang positivity rate sa pitong lalawigan sa bansa na kinabibilangan ng Camarines Sur, Isabela, La Union, Tarlac, Aklan, Benguet at Misamis Oriental.
Sa Aklan, nakapagtala ng 34.9 percent na positivity rate noong Nov. 19.
Sa Benguet naman, mula sa 32 percent ay bumaba sa 24.7 percent ang positivity rate.
Sa Camarines Sur, mula sa 33.3 percent ay tumaas pa sa 35.2 percent ang positivity rate.
Tumaas din ang positivity rate sa Isabela na mula sa 44.1 percent ay naging 49.4 percent.
Sa Misamis Oriental, ay nakapagtala ng 20.9 percent habang 20.7 percent naman sa La Union.
Sa Tarlac, ay nasa “very high” pa rin ang naitalang positivity rate na 37.7 percent. (DDC)