US second gentleman Douglas Emhoff dumalo sa handover ceremony ng mga COVID-19 supplies sa Caloocan

US second gentleman Douglas Emhoff dumalo sa handover ceremony ng mga COVID-19 supplies sa Caloocan

Pinangunahan ni US second gentleman Douglas Emhoff ang handover ceremony ng mga COVID-19 supplies sa Gregoria de Jesus Elementary School sa Caloocan City.

Dumalo din sa nasabing seremonya si Department of Health OIC Usec. Maria Rosario Vergeire.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Emhoff na nagkaroon ng malaki at mahabang epekto ang pandemya ng COVID-19 sa mga mamamayan ng US at Pilipinas.

Inanunsyo ni Emhoff na magbibigay ang US ng hygiene kits at iba pang COVID-19 supplies sa bansa para mas mapalakas pa ang ginagawang hakbang laban sa COVID-19.

Maliban dito, magbibigay din aniya ang US ng $5million na donasyon sa pamamagitan ng USAID para mas mapabilis ang rollout ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *