Quezon City kinilala ng DILG at DSWD bilang “Child-friendly City”
Ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Seal of Child-Friendly Local Governance ang Quezon City.
Ito ay bilang pagkilala sa pagbibigay importansya ng lungsod sa karapatan ng mga bata.
Tinanggap ni Social Services Development Department (SSDD) OIC Rowena Macatao ang parangal sa ginanap na Regional Children’s Month Celebration and Children’s Congress.
Ang plaque ay ibinigay sa QC matapos makapasa sa sa 2019 Child-friendly Local Governance Audit ng DILG at DSWD.
Napatunayan ng DSWD at DILG na sinisiguro ng pamahalaang lungsod ang pagbibigay ng importansya at prayoridad sa mga bata sa mga pagpa-plano, pagba-budget, pagsasabatas ng mga ordinansa, at pagsasagawa ng mga programa upang matiyak ang kanilang kalusugan, kaligtasan, at kapakanan. (DDC)