PANOORIN: Pangulong Marcos nag-iwan ng magandang impresyon sa pagdalo sa APEC Summit ayon kay Rep. Arroyo
Nag-iwan ng magandang impresyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang katatapos na pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Ito ang sinabi ni dating Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo na kasama sa delegasyon ni Marcos sa nasabing Summit.
Ayon sa kongresista ng Pampanga, ang pagdalo ni Marcos sa APEC Summit ay maituturing na “first appearance” ng pangulo sa world stage dahil ang sakop ng Asia-Pacific region ang mahigit kalahati ng ekonomiya ng mundo.
Sinabi ni Arroyo na nag-iwan si Marcos ng “very good impression” sa nasabing summit at mahalaga ito sa ekonomiya ng bansa. (DDC)