Handprint mural pinasinayaan sa Maynila bilang paggunita sa 2022 World Day of Remembrance for Road Traffic Victims
Nakiisa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paggunita ng 2022 World Day of Remembrance for Road Traffic Victims ngayong araw ng Linggo, Nobyembre 20.
Dumalo si MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes sa handprint mural unveiling ceremony na ginanap sa MMDA Children’s Road Safety Park sa Adriatico, Manila.
Sinabi ni Artes na nakikiisa ang ahensiya sa layunin at hangarin ng iba’t ibang road safety advocates na maprotektahan ang mga bata sa anumang uri ng aksidente.
Ang handprint mural unveiling ceremony ay dinaluhan din nina DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor, ImagineLaw Project Manager for Road Safety Atty. Daphne Marcelo, Metro Pacific Tollways Vice President for Corporate Governance and Risk Officer Atty. Cynthia Casino, at Dr. Angel Umali ng UNICEF Philippines.
Kasabay nito, hiniling ng MMDA sa publiko na alalahanin ang mga naging biktima, nasawi at nakaligtas mula sa mga aksidente sa lansangan.
Ayon sa ng MMDA ay patuloy sa pag-implementa ng mga batas trapiko at adbokasiya para sa mas maayos at mas ligtas na mga kalsada sa Metro Manila. (DDC)