Pamahalaan maglalagay ng POLO sa Thailand

Pamahalaan maglalagay ng POLO sa Thailand

Matapos ang kanyang partisipasyon sa ika-29 na APEC Summit, binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at mga miyembro ng Philippine delegation ang mga Pilipino sa Bangkok, Thailand.

Pinasalamatan ng pangulo ang mga OFW sa Thailand dahil sa pagpupursigi nila sa kanilang trabaho na nagpapatingkad sa pangalan ng Pilipino at sa suportang ibinibigay nila sa pamahalaan.

Ibinahagi ni Marcos ang mga plano ng pamahalaan sa iba’t ibang sektor ng bansa at nangakong tuloy-tuloy ang serbisyong ibibigay ng kanyang administrasyon na sesentro sa pangangalaga ng kapakanan ng mga OFW sa buong mundo.

Inanunsyo din ni Marcos at ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople sa mga Pinoy na nasa Thailand na magkakaroon na ng kauna-unahang Philippine Labor Overseas Office (POLO) sa nasabing bansa.

Ang POLO ay malaking tulong sa mga OFW upang matugunan agad ang pangangailangan at mapangalagaan ang karapatan ng mga OFW. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *