Saudi Govt. babayaran ang nasa 10,000 OFWs na trabahador mga construction firms na nagdeklara ng bankruptcy
Tiniyak ng pamahalaan ng Saudi Arabia na sasagutin nito ang hindi nabayarang suweldo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng mga kumpanya sa Saudi na nagdeklara ng bankruptcy.
Kasunod ito ng bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si Migrant Workers Sec. Susan Ople kay Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman.
Ayon kay Ople, mayroong nasa 10,000 OFWs na naapektuhan ng deklarasyon ng bankruptcy ng mga construction firms sa Saudi mula 2015 hanggang 2016.
Nangako aniya ang Saudi Crown Prince na ang pamahalaan na ng Saudi ang sasagot sa mga hindi naibigay na suweldo ng nasabing mga OFW.
Noong Sabado, Nov. 19 ay nagsagawa din ang DMW ng special job and livelihood fair para sa mga displaced KSA-OFWs at kanilang pamilya. (DDC)