Tangkang pagpuslit sa P80M na alahas, naharang sa NAIA
Tangkang pagpuslit sa P80M na alahas, naharang sa NAIA
Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang 24.4 kilogram na gintong alahas na nagkakahalaga ng P80 milyon nang tangkaing ipuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Base sa report nadiskubre ng otoridad ang sangkaterbang piraso ng mga gintong alahas na nakatago sa loob ng isang airplane lavatory na unang natuklasan sa boarding formalities na isinagawa ng Customs Boarding Inspector mula sa Aircraft Operations Division.
Agad namang iniutos ni BOC NAIA District Collector Carmelita M. Talusan ang isang masusing imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng mga nasabing ginto. (Bhelle Gamboa)