Pagpapaigting sa kampanya sa anti-overloading iniutos ng bagong LTO chief

Pagpapaigting sa kampanya sa anti-overloading iniutos ng bagong LTO chief

Isa sa pangunahing kautusan ni bagong Land Transportation Office – Philippines (LTO) Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagpapaigting sa kampanya ng ahensya laban sa mga overloaded na sasakyan.

Iniutos ni Tugade sa mga tauhan ng LTO na palakasin ang kampanya sa anti-overloading campaign na bahagi ng adbokasiya ng bagong LTO chief hinggil sa road safety.

Agad nag-dispatch ang LTO Central Office at LTO Region 3 ng mga tauhan sa Tabang Weighbridge Station sa Tabang, Guiguinto, Bulacan para magsagawa ng anti-overloading operation.

Sa ikinasang operasyon, kabuuang 22 sasakyan ang naharang ng mga otoridad, kung saan 7 sa kanila ang nakapasa ng timbangin.

Gayunman, mayroong 15 ang hinuli dahil sa paglabag sa Republic Act 8794 o Anti-Overloading Act of 2000.

Mayroon namang 3 sasakyan ang nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act 4136 o Land Transportation and Traffic Code. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *