Halos 17,000 sasakyan nahuli sa mga ikinasang operasyon ng PNP-HPG sa nakalipas na apat na buwan

Halos 17,000 sasakyan nahuli sa mga ikinasang operasyon ng PNP-HPG sa nakalipas na apat na buwan

Umabot sa halos 17,000na mga sasakyan ang nahuli sa mga operasyon ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) laban sa carnapping at iba pang mga paglabag sa batas kaugnay sa land transportation.

Ayon kay PNP Chief, Police General Rodolfo S Azurin Jr. Naging matagumpay ang mga operasyon ng PNP HPG mula Hulyo ngayong taon.

Sa kabuuan ay umabot sa 16, 861 na mga sasakyan ang na-impound. Sa nasabing bilang, 13,442 ay pawang motorsiklo.

Ito ay dahil sa iba’t ibang paglabag sa RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Kabilang sa mga paglabag ay ang hindi otorisadong paggamit ng HPG logo/stickers; illegal horns; paggamit ng blinkers at illegal lights; at mga motorsiklo na mayroong illegally modified mufflers.

Sa kampanya naman laban sa carnapping, umabot sa 222 na katao ang naaresto ng HPG at may narecover na 209 na mga sasakyan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *