Pangulong Marcos, Pres. Xi nagkasundong palakasin ang ugnayan sa agrikultura, enerhiya at imprastraktura
Naisakatuparan na ang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping sa Bangkok, Thailand.
Tinalakay ng dalawa ang pagpapalakas at pagpapalawig pa sa relasyon at ugnayan ng Pilipinas at China hinggil sa agrikultura, enerhiya, imprastraktura at people-to-people connections.
Naganap ang bilateral meeting ng dalawang lider sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Inilarawan ni Marcos ang pulong bilang “very pleasant exchange”.
Sa kaniyang pagdalo sa 40th and 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits sa Cambodia, sinabi ni Pangulong Marcos na nagkasundo ang ASEAN member states na suportahan ang One China Policy at hinimok ang China at Taiwan na resolbahin ng payapa ang kanilang sigalot. (DDC)