Malaking pribadong kumpanya sa Thailand nangako ng dagdag na pamumuhunan sa bansa
Nangako ang CP Group na pinakamalaking pribadong kumpanya sa Thailand na magdaragdag ng pamumunuhan sa Pilipinas.
Ito ay kasunod ng pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng CP Group sa Thailand.
Nangako ang Thai conglomerate na magbibigay ng karagdagang pamumuhunan sa bansa sa sektor ng aquaculture, bigas, at babuyan.
Kabilang sa malaki at mahalagang investment ng naturang kumpanya sa agrikultura ng bansa ay ang
Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation (CPFPC), na subsidiary ng Charoen Pokphand Foods Public Company Limited (CPF).
Nagsimula ang operasyon ng sa Pilipinas noong May 2010.
Nangako naman Marcos na pagbubutihin ang pagpapalawak ng industriya ng aquaculture sa Pilipinas na may mahalagang papel sa pagkamit ng food security. (DDC)