MMDA enforcers binawalang magkumpulan, gumamit ng cellphone habang naka-duty

MMDA enforcers binawalang magkumpulan, gumamit ng cellphone habang naka-duty

Bilang paghahanda sa Christmas season paiigtingin ang visibility ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lansangan.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, palalawigin ang duty ng kanilang Traffic Discipline Office personnel hanggang 12 midnight para masabayan ang 11am to 11pm adjusted operating hours ng mga malls at shopping centers sa Metro Manila.

Inatasan ni Artes ang mga traffic enforcers na iwasan ang pagkukumpulan at huwag ding gumamit ng cellphone kung hindi naman importante.

Maaari lang aniyang gamitin ang cellphone kapag magre-report ng traffic situations o aksidente sa lugar na kanilang nasasakupan.

“Our primary duty and priority is to manage traffic first before apprehending erring motorists. We don’t allow the practice of waiting for motorists to violate traffic rules before flagging them down,” ayon kay Artes.

Siniguro din ni artes na mababantayan ang galaw ng kanilang mga field personnel sa pamamagitan ng closed circuit television (CCTV) cameras sa MMDA Operations Monitoring and Control Center (Metrobase). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *