Coast Guard sasalubungin si U.S. VP Harris sa Puerto Princesa, Palawan
Pangungunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang welcome ceremony kay United States (U.S.) Vice President Kamala Harris sa BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) sa Puerto Princesa, Palawan.
Ang welcoming party ay bubuuin nina PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Rolando Lizor Punzalan Jr, PCG District Palawan Commander, CG Captain Christopher Meniado, at BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701)’s Skipper, CG Commander Erwin Tolentino.
Ayon kay PCG Spokesperson, CG Commodore Armando Balilo, bibigyan ng briefing si Harris
kaugnay sa kasalukuyang maritime operations sa Palawan.
Magkakaroon din ng vessel tour si Harris sa BRP Teresa Magbanua na isa sa dalawang pinakamalaking Coast Guard vessels.
Dadalo din sa seremonya ang mga opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Transportation (DOTr), at local government units (LGUs). (DDC)