COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba
Bumaba ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.
Ayon sa OCTA Research, ang 7-day positivity rate sa NCR ay bumaba mula sa 7.8 percent noong Nov. 8 patungo sa 7.4 percent na lang noong Nov. 15.
Pero ayon kay OCTA Research fellow Dr. David Guido, posibleng makaranas pa ng pagtaas ng kaso sa susunod na mga linggo.
Samantala, tumaas naman ang reproduction number sa NCR mula sa 0.83 noong Nov. 6 patungo sa 1.02 noong Nov. 13.
Ang weekly growth rate ay tumaas din mula sa -18 percent patungo sa 11 percent.
Nananatili namang nasa “Very Low” ang hospital utilization rate at ang NCR ay nananatili pa rin sa Low Risk. (DDC)