Mga kolehiyo at unibersidad hindi na papayagang magpatupad ng full distance learning modalities sa susunod na semestre

Mga kolehiyo at unibersidad hindi na papayagang magpatupad ng full distance learning modalities sa susunod na semestre

Hindi na papayagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga kolehiyo at unibersidad na magpatupad ng full distance learning modalities sa susunod na semestre.

Salig ito sa CHED Memorandum Order 16, series of 2022.

Nakasaad sa nasabing memorandum na lahat ng Higher Education Institutions (HEIs) ay hindi na puwedeng magpatupad ng degree programs gamit ang full distance learning kabilang ang fully online modality maliban na lamang kung may approval mula sa CHED.

Ang mga HEIs ay pinapayagan na mamili sa pagitan ng onsite learning o hybrid learning modality simula sa second sem ng kasalukuyang school year.

Kung gagamit ng hybrid learning modality, ang 50 percent contact time ay dapat matiyak na onsite learning.

Ang memorandum ng CHED ay nilagdaan ni CHED chairperson Prospero De Vera. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *