Trough ng LPA, ITCZ magpapaulan sa malaking bahgi ng bansa

Trough ng LPA, ITCZ magpapaulan sa malaking bahgi ng bansa

Makararanas ng maulap na papawirin ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at trough ng Low Pressure Area (LPA).

Ayon sa PAGASA, apektado ng ITCZ ang buong Midnanao at Palawan.

Dahil sa ITCZ at sa buntot ng LPA, ang Midnanao, Eastern Visayas, Central Visayas, Bicol Region at Palawan ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Makararanas din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang mga lalawigan ng Quezon, Aurora, Isabela at mainland Cagayan dahil sa Shear Line.

Habang localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *