Launching ng ‘Kadiwa ng Pasko’ caravan pinangunahan ni Pang. Marcos; bigas na P25 kada kilo ibinida

Launching ng ‘Kadiwa ng Pasko’ caravan pinangunahan ni Pang. Marcos; bigas na P25 kada kilo ibinida

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang grand launch ng ‘Kadiwa ng Pasko’ caravan sa Molave ​​Covered Court sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Sa kaniyang naging pahayag sinabi ng pangulo na ang Kadiwa ay mag-aalok ng mas murang bilihin.

Ibinida din ng pangulo na may mabibiling P25 kada kilo na bigas sa Kadiwa ng Pasko stores na aniya ay papalapit na sa pangarap niyang maging P20 kada kilo ang presyo ng bigas.

Sinabi ni Marcos na malaking tulong ang Kadiwa ng Pasko stores lalo na at nagmamahalan ang presyo ng bilihin.

Aniya, ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay hindi kontrolado ng pamahalaan dahil nangyayari din ito sa iba pan mga bansa.

Nangako naman si Marcos na kahit matapos ang Kapaskuhan ay palalawigin pa ang Kadiwa program.

Layon ng ‘Kadiwa ng Pasko’ na ipakilala sa local market ang mga produkto sa bansa at palakasin pa ang sektor ng pagsasaka gamit ang mas pinaigting na “farm-to-consumer” food supply na sistema. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *