Sugatang Pangolin nailigtas sa Puerto Princesa, Palawan
Isang sugatang Pangolin ang natagpuan ng isang residente sa Bgy. Sicsican, Puerto Princesa, Palawan.
Ang Pangoliln ay may bigat na 2.3kg at may habang 70cm na agad dinala sa Palawan Council for Sustainable Development Staff.
Ayon sa isang residente, nakita niya malapit sa kaniyang bahay ang Pangolin na nagtamo ng sugat dahil sa kagat ng aso.
Dinala ang Pangolin sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) para magamot bago ito ibalik sa kaniyang natural habitat.
Ang Philippine Pangolin ay nasa listahan na ng mga “Critically Endangered Species” sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521. (DDC)