Malakanyang inilabas ang listahan ng 2023 Holidays; Jan 2. idineklarang special non-working day ni Pangulong Marcos

Malakanyang inilabas ang listahan ng 2023 Holidays; Jan 2. idineklarang special non-working day ni Pangulong Marcos

Inilabas na ng Malakanyang ang listahan ng mga deklarang holiday para sa taong 2023.

Sa Proclamation No. 90 ni Pangulong Ferdinand Marcos, inilatag ang petsa ng mga deklarang regular holiday at special non-working holiday para sa susunod na taon.

Sa nasabi ring proklamasyon ay idineklarang special non-working day ang January 2, 2023 araw ng Lunes. Ito ay dahil natapat ng araw ng Linggo ang Bagong Taon (January 1).

Nakasaad sa proklamasyon na idinagdag ang Jan. 2 bilang holiday para magkaroon ng mas mahabang pagkakataon ang publiko na makapiling ang kanilang pamilya sa New Year.

Samantala ang holiday para sa April 9, 2023 (Araw ng Kagitingan) na natapat ng araw ng Linggo ay inilipat sa APril 10, 2023 araw ng Lunes.

Ayon sa proklamasyon, ito ay para magkaroon ng pagkakataon ang publiko na ma-avail ang long wekeend.

Ang holiday naman para sa Nov. 30, 2023 (Bonifacio Day) na natapat ng Huwebes ay inilipat din ng araw ng Lunes Nov 27, 2023. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *