Kadiwa ng Pasko inilunsad ng Parañaque LGU

Kadiwa ng Pasko inilunsad ng Parañaque LGU

Kaisa ang Parañaque City sa paglulunsad ng proyektong “Kadiwa ng Pasko” sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong Nobyembre 16.

Pormal na binuksan ng lokal na pamahalaan ang kanyang Kadiwa ng Pasko sa
Parañaque City Sports Complex sa pangunguna ni First Lady Louise Araneta-Marcos kasama si Mayor Eric Olivarez at iba pang opisyal ng lungsod.

Ang 𝗞𝗮𝗱𝗶𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝗸𝗼 ay isang proyekto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may layuning tugunan ang nararanasang inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ng mga Pilipino, sa pamamagitan ng pag-alok ng mga produktong abot-kaya.

Nagtutulungan sa proyektong ito ang Kadiwa at Diskwento Caravan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) para itampok ang mga lokal na produkto tulad ng gulay, prutas, mga karne ng manok, isda, frozen products at iba pa mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para direktang ilako sa mga consumers sa mababang presyo lamang.

Nakaalalay din sa proyekto ang mga ahensya ng pamahalaan kabilang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE).

Dumagsa naman ang mamimili sa lugar na nagpapakita ng malakas na pagsuporta at pagtangkilik sa sariling produkto natin. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *