Kadiwa ng Pasko magkakasabay na binuksan sa 14 na sites sa bansa ngayong araw
Isinagawa ngayong araw ang nationwide launch ng Kadiwa ng Pasko project ng Department of Agriculture (DA).
Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga local agricultural producers na maibenta ang kanilang produkto.
Layon din nitong mailapit sa publiko ang access sa mas abot-kaya at de-kalidad na mga produkto.
Labingapat na Kadiwa ng Pasko sites ang sabay-sabay na binuksan araw ng Miyerkules (Nov. 15) sa buong bansa.
Kabilang dito ang 11 sites sa National Capital Region, 1 sa Tacloban City, 1 sa Davao De Oro, at 1 sa Koronadal City, South Cotabato.
Binuo ang Kadiwa ng Pasko project pata matugunan din ang epekto ng inflation sa publiko at mabigyan sila ng pagkakataon na makabili ng murang produkto lalo ngayong papalapit na ang holiday season.
Maliban sa DA, suportado din ang nasabing programa ng iba pang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE). (DDC)