Road traffic injuries pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga nasa edad 5 hanggang 29 na taon ayon sa pag-aaral

Road traffic injuries pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga nasa edad 5 hanggang 29 na taon ayon sa pag-aaral

Ginunita ng Department of Transportation (DOTr) ang National Day of Remembrance for Road Traffic Victims, Survivors, and Their Families.

Kaugnay nito ay inilabas ng DOTr ang road crash statistics na nagpapakita ng datos ng pagkasawi dahil sa road traffic injuries.

Batay sa Global Status Report on Road Safety, ang road traffic injuries ang pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga bata at young adults na nasa pagitan ng edad 5 hanggang 29.

Sa naturang pag-aaral din nakasaad na mayroong 1.35 million na road traffic deaths ang naitatala.

Karaniwang biktima ay pedestrians, cyclists, at motorcyclists.

Kaugnay nito ay hinikayat ng DOTr ang bawat isa na protektahan ang sarili at pamilya sa pamamagitan ng pagpapairal ng road safety. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *